Advertisement
-
TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGT
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo’s Balagtas), Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion, Bataan at nagkaroon ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing niya sa musika.
Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulan sa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mga kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante at Laura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.
0 comments: