Advertisement

  • Alamat ng Aso Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

    Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.

    Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.

    Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.

    At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

    Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.

    Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.

    Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa’t isa.

    At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.

    Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.

    “Ina, huwag mo po kaming iwan!” ang iyak ni Maria.

    “Oo nga po! Mang Damaso, huwag n’yong kunin an gaming ina!” ang iyak ni Jose.

    Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

    Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.

    Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.

    Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.

    Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

    Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa’t hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.

    Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

    “Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop,” ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

    Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

    “Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga’t ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga’t hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak,” at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

    Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

    At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.

    At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.

    Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.

    Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.

    Kaya’t maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.

    more
  • Alamat ng Niyog Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.

    Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.

    Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: “Sino na ang magapakain sa amin?” tanong ng pinakamatandang anak.

    “Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak.

    “Sino na ang maglalaba n gating damit?” tanong ng ikatlong anak.

    Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at maputi.

    “Huwag na kayong umiyak,” sabi niya. “Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.

    Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.

    Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo.

    Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.

    “Marahil aakyatin ko na lamang itong puno,” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak at pumitas ng bunga.

    “Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan ninyo.”

    Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.

    “Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay: “Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito,” ang wika ng ikaapat na anak.

    Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyak sa itaas ng puno.

    Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga bungang iyon ay kauna-unahang niyog dito sa daigdig.

    more
  • Alamat ng Lansones Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.

    Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. “Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin.” Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones. “Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng lason. Kumain na kayo.” At nawala ang babae.

    Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At naroon nga ang bakas ng kurot, wari’y lalong nagpalinamnam sa lansones.

    more
  • ANG ALAMAT NG PINYA Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak. Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina. Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito. "Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina. "Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak. "Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabi naman ng ina. "Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog. Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita. Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandaling iyon.

    more
  • What is Internet? # a computer network consisting of a worldwide network of computer networks that use the TCP/IP network protocols to facilitate data transmission ...


    # The Internet is a global system of interconnected computer networks. A computer that connects to the Internet can access information from a vast ...


    # The specific internet consisting of a global network of computers that communicate using Internet Protocol (IP) and that use Border Gateway ...


    # Internets - "Internets" is a Bushism-turned-catchphrase used humorously to portray the speaker as ignorant about the Internet or about technology in general ...


    # Selling product to consumers through a website over the Internet.


    #
    is a worldwide, publicly accessible series of interconnected computer networks that transmit data by packet switching using the standard Internet Protocol (IP).


    # The series of interconnected networks allowing communication of data among millions of computers worldwide.


    # The Internet is the largest Internet in the world. It is a three level hierarchy composed of backbone networks (eg ARPAnet, NSFNet, MILNET), mid ...


    # A large global network comprised of thousands of smaller networks. The World Wide Web is one element of the Internet.

    # International Network


    # the global, public computer network


    #
    A global communication network that allows computers worldwide to connect and exchange information.




    #
    The open global network of interconnected commercial, educational and governmental computer networks that use a common communications protocal TCP/IP.


    # A vast network of interconnected computer systems which permit users to communicate and share information

    more


  • # the hard structure (bones and cartilages) that provides a frame for the body of an animal


    # The human skeleton consists of both fused and individual bones supported and supplemented by ligaments, tendons, muscles and cartilage. It serves as a scaffold which supports organs, anchors muscles, and protects organs such as the brain, lungs and heart. ...


    # In biology, a skeleton is a rigid framework that provides protection and structure in many types of animal, particularly those of the phylum Chordata and of the superphylum Ecdysozoa. ...


    # The rigid framework of bones in the body that supports soft tissues and protects internal organs.


    # One of eleven major body organ systems in animals; supports the body, protects internal organs, and, with the muscular system, allows movement and ...


    # The skeletal system or skeleton provides structural support and protection by means of bones. There are two basic parts, the axial skeleton (spine, ribs, sacrum, sternum, cranium, and about 80 bones in all) and the appendicular skeleton (bones of the arms, pelvis, legs, and shoulders, totaling ...


    # the body system made up primarily of bones that provides support, protection and shape to the body, and allows the body to store minerals, make blood cells, and grow.

    more
  • Francisco Baltazar

    More popularly known as Balagtas, he is considered the prince of Tagalog poets. Born in Panginay, Bigaa, Bulacan, on April 2, 1788. He wrote Florante at Laura, a masterpiece of local versification, upholding moral and social values; it served as the basic foundation of the Philippine literature. Died in Orion, Bataan, on February 20, 1862.

    more

Our Sponsor

B4ABS RANK

PR Checker